Posisyong Papel Tungkol sa Programang K-12
Ngunit, maayos na ba ng preparasyon
ng gobyerno bago ipatupad ang K-12? Noong ipinatutupad ng DepEd ang
Kindergarten, nagkapoproblema na agad ang gobyerno (kulang ng silid-aralan,
kulang ng guro, at iba pa) mas lalong magkakapoproblema ang gobyerno nang
ipinatutupad ang programang K-12. Una, minadali ang paggawa sa curriculum na
ito (noong summer ng 2012, at ito’y ipinatutupad na sa mga paaralan ng Maynila
noong Hunyo ng 2012.) Mas Malala ang problema sa hayskul dahil noong 2010 ay
may inilabas nang bagong curriculum ang DepEd. Kumbaga, mainit-init pa ang 2010
na curriculum sa hayskul (ang curriculum na ito ay tinatawag na 2010 Secondary
Education Curriculum o 2010 SEC). Pinupuna rin ng ibang guro ang pag-adopt ng
ilang bahagi ng K-12 curriculum sa mga tema ng isang institusyong
pang-edukasyon sa America gaya ng nangyari sa draft curriculum para sa Araling
Panlipunan. Noong Mayo 28, 2012, tumatanggap pa rin ng suhestyon atbp. Ang Bureau
of Secondary Education ng DepEd hinggil sa curriculum ng 3rd year sa
hayskul sa ilalim ng 2010 SEC na ayon nila ay “draft” pa lamang. Sa kabuuan,
ang prosesong sinunod ng pagbubuo ng K-12 curriculum ay “top-down”: mga
eksperto ang namamahala sa pagbuo ng curriculum at halos walang papel ang mga
simpleng gurong aktwal sa field. Problematiko rin ang kasabay na pagpatutupad
ng K-12 at ng Mother Tongue- Based Multilingual Education o MTB-MLE ng DepEd,
sapagka’t hati ang oras at resources ng ahensya para sa training ng mga guro.
Batay sa mga nabanggit na
problema at kawalan ng malinaw at komprehensibong plano ng gobyerno hinggil sa
implementasyon ng K-12, dapat pansamantala munang itigil ang implementasyon
nito para hindi masayang ang pera at pagod ng DepEd at ng mga guro at iba pang
mga mamamayan na kasangkot sa implementasyon nito.
Gayundin, dapat bigyang-diin
na ang ibang dahilan sa pagpapatupad ng K-12 (halimbawa nito ay ang
pagpapattern ng ating education system para sa pangangailangan ng US o Europa0
ay mali. Bakit ba kasi dapat magproduce ng mga propesyonal ang Pilipinas para
sa pangangailangan ng US at Europa lamang? Hindi ba dapat na ang mga
propesyonal na graduates ng Pilipinas ay “suitable” ang kanilang mga kakayahan
sa bansa nila mismo, para makatulong sila sap ag-unlad nito? Para saan ng aba o
para kanino ang edukasyo? Iyon ang unang dapat sagutin, at mali ang sagot na
K-12 sa tanong na iyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento