Martes, Pebrero 14, 2017

Edukasyon ay Mahalaga


“Mag-aralkang mabuti.  Ang karunungan ay hindimaaagaw sa iyo ninuman.  Pilitin mongmakatapos.  Iba na ang may diploma.  Iyan lang ang tanging maipamamana namin saiyo.  Kung gusto mong magandangkinabukasan, magtapos ka ng pag-aaral.”

Itoang karaniwang sinasambit ng ating mga magulang at nakakatanda.  Sa ating bansa mataas ang pagpapahalaga saedukasyon.Ano nga ba ang edukasyon at bakit mahalaga ito?

Angedukasyon ay ang pagsasanay sa mga tao na matutuhan na mapaunlad at gamitin angkanilang mental, kabutihang-asal at pisikal na kakayahan.  Na para sa nakararami ay sa paaaralannagkakahugis at patuloy na yumayabong. Ang paaralan ay itinuturing nating pangalawang bahay dahil dittoitinuturo ang ang pormal na edukasyon kung saan binibigyang-diin angkagandahang asal at lalo pang napapaunlad ang ating mga kakayahan.  Ang pag-aaral ay maaaring hindi sa loob ngpaaralan; maaari ring matuto kahit saan.

Maramisa mga kabataan ngayon ay hindi nabibigyan nga pormal na edukasyon at ito aysanhi na rin marahil ng kahirapan.  Maymga magulang din naman na nagtitis, maigapang lang ang pag-aaral ng kanilanganak dahil alam nilang kailangan ng mga kabataan ngayon ang makapasok sapaaralan upang sa ganon ay mabigyan sila ng sapat na panahon at magkaroon silang gabay sa anumang bagay na nais nilang gawin. Tulad na lang ng aking butihing magulang na nagtiis sa init ng araw paramagtrabahaho makatapos lang kaming magkapatid sa aming pag-aaral.  At ang kanilang pagtitiis ay nagbunga dahilheto kami ngayon isang matagumpay na guro sa pampublikong paaralan.  Ang aking taos-pusong pasasalamat atpagpupugay sa aking mag magulang!

Lubhang mahalaga ang edukasyon dahil ito anggagabay sa atin na maging produktibo, hahatid sa atin sa tagumpay at mgadadalasa atin sa magandang buhay.  Kaya akingpayo sa mga kabataan nagyon ang kailangang magsumikap tapusin ang inyong pag-aaraldahil kayo rin namn ang manginginabang nito sa bandang huli.
.