Biyernes, Marso 3, 2017




Posisyong Papel Tungkol sa Programang K-12


Ang programang K-12 ay naipatutupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Ang K-12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng hayskul, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy sa kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas handa para sa kolehiyo mismo. Ayon kay Kalihim Bro. Armin Luistro ng DepEd, ito ay ibibigay ng libre sa mga nais pumasok sa pampublikong paaralan. Bagaman magiging isang puhunan o investment din ito ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Ngunit, maayos na ba ng preparasyon ng gobyerno bago ipatupad ang K-12? Noong ipinatutupad ng DepEd ang Kindergarten, nagkapoproblema na agad ang gobyerno (kulang ng silid-aralan, kulang ng guro, at iba pa) mas lalong magkakapoproblema ang gobyerno nang ipinatutupad ang programang K-12. Una, minadali ang paggawa sa curriculum na ito (noong summer ng 2012, at ito’y ipinatutupad na sa mga paaralan ng Maynila noong Hunyo ng 2012.) Mas Malala ang problema sa hayskul dahil noong 2010 ay may inilabas nang bagong curriculum ang DepEd. Kumbaga, mainit-init pa ang 2010 na curriculum sa hayskul (ang curriculum na ito ay tinatawag na 2010 Secondary Education Curriculum o 2010 SEC). Pinupuna rin ng ibang guro ang pag-adopt ng ilang bahagi ng K-12 curriculum sa mga tema ng isang institusyong pang-edukasyon sa America gaya ng nangyari sa draft curriculum para sa Araling Panlipunan. Noong Mayo 28, 2012, tumatanggap pa rin ng suhestyon atbp. Ang Bureau of Secondary Education ng DepEd hinggil sa curriculum ng 3rd year sa hayskul sa ilalim ng 2010 SEC na ayon nila ay “draft” pa lamang. Sa kabuuan, ang prosesong sinunod ng pagbubuo ng K-12 curriculum ay “top-down”: mga eksperto ang namamahala sa pagbuo ng curriculum at halos walang papel ang mga simpleng gurong aktwal sa field. Problematiko rin ang kasabay na pagpatutupad ng K-12 at ng Mother Tongue- Based Multilingual Education o MTB-MLE ng DepEd, sapagka’t hati ang oras at resources ng ahensya para sa training ng mga guro.

Batay sa mga nabanggit na problema at kawalan ng malinaw at komprehensibong plano ng gobyerno hinggil sa implementasyon ng K-12, dapat pansamantala munang itigil ang implementasyon nito para hindi masayang ang pera at pagod ng DepEd at ng mga guro at iba pang mga mamamayan na kasangkot sa implementasyon nito. 

Gayundin, dapat bigyang-diin na ang ibang dahilan sa pagpapatupad ng K-12 (halimbawa nito ay ang pagpapattern ng ating education system para sa pangangailangan ng US o Europa0 ay mali. Bakit ba kasi dapat magproduce ng mga propesyonal ang Pilipinas para sa pangangailangan ng US at Europa lamang? Hindi ba dapat na ang mga propesyonal na graduates ng Pilipinas ay “suitable” ang kanilang mga kakayahan sa bansa nila mismo, para makatulong sila sap ag-unlad nito? Para saan ng aba o para kanino ang edukasyo? Iyon ang unang dapat sagutin, at mali ang sagot na K-12 sa tanong na iyon.

Huwebes, Marso 2, 2017



"Pagpipili Mo; Pananagutan Mo" - Hannah May Y. Subrabas


Araw-araw, humaharap tayo ng iba’t ibang mga mapagpipilian. Pumipili tayo kung ano ang susuotin natin, kung ano ang kakainin natin, mga kasunduan na nasa ating palatuntunan, sa mga taong ating kilalanin, kung anong oras tayo pupunta sa eskwelahan, kung saang sasakyan tayo sasakay, anong gagawin natin pagkatapos sa trabaho, at iba pa. Magugustuhan mo man o hindi, ang ating mga desisyon ang nagsisilbing gabay sa ating pang araw-araw na pamumuhay, at maging sa magpapatayo ng magandang kinabukasan.

Ang mga desisyon na ating ginagawa sa kasalukuyan, maging madali man o mahirap, ay palaging makakaapekto sa ating kinabukasan. Kapag nagawa na ang isang desisyon, at nailantad na ang mga resulta, wala na tayong magawa kundi mamumuhay kasama ang mga bunga sa desisyon na yun.

Pagpipili mo, pananagutan mo. Ikaw mismo ang magpipili kung pupunta ka ba sa paaralan, kung maniniwala ka ba sa isang relihiyon o hindi, kung mamumuhay ka bang matapat, at marami pang iba. Ang iyong mga pansariling pagpipili ay magtutungo rin sa mga pang-personal na mga kinalalabasan tulad ng pagpunta sa paaralan. Kung pipili kang hindi pupunta, kaya ika’y hindi makapaghanap ng isang mabuting trabaho, at mayamaya ay haharap ka ng isang malaking kaguluhan tungkol sa paghahanap ng pera sa natitirang bahagi ng iyong buhay.

Kontrolado ng ating mga sariling kamay ang ating mga buhay. Hindi pupwedeng ibang tao ang gagawa ng mga desisyon para sa atin, at ang pinaka-importanteng desisyon kung paano tayo mamumuhay sa sanlibutang ito ay nakasalalay lamang sa bawat isa sa atin.

Para sa akin, unti-unti nang nakakalimutan ng mga tao ang kanilang kakayahan sa pag-gawa ng sarili nilang mga desisyon. Mas nagkagusto ata ang mga tao ngayon na ang kanilang mga kasama o ang lipunan na lamang ang maguutos sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin, at kung maging sino dapat sila. Pero sa totoo lang, hindi dapat ito ang mangyayari. Lahat tayo may mga bagay na nais nating mangyayari. Lahat tayo may mga inaasahan. Lahat tayo may mga pangarap. At paano natin ito matutupad kung hindi tayo pipiling magdedesisyon para sa ating sarili? Lahat tayo ay may karapatang maabot ang ating mga pangarap. Ilagay sa iyong isipan ang sarili nating Konstitusyon; kalayaan sa pagsasalita, kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin, karapatang pang politika, kalayaan sa relihiyon, at marami pang ibat ibang mga kalayaan na meron tayo bilang isang Pilipino.

Nasa bawat isa sa atin ang mga desisyon na gusto nating gawin, at bilang isang sibilisasyon, dapat tayo ay may tiwala sa ating sarili at magiging matapat upang mapanindigan ang ating mga desisyon kung ano ba ang ating tinututuring tama. Dapat nating mauunawaan na an gating mga desisyon ay dapat una sa lahat ay para sa ikabubuti ng ating sarili, at hindi lamang para mapasaya natin ang ibang tao.